Basura

Basura
Katulad ng basura. ako ay itinapon ng aking totoong magulang. Ngunit mayroon tayong kasabihan na sa bawat basura ay may nakatagong kayamanan, at iyon ang aking ipinagmamalaki, sapagkat, narito sa aking mga kamay ang kumikinang na Diploma....ang Diploma mula sa isang Ibinasura.

Tuesday, February 1, 2011

San- o?

Sang ikaw ang akon nga makit-an
Dinakop mo ining dughan
Sa imo nga kaambong
Kaw gid ang pagamingawon
Manaya-naya nimu nga guya
Sa akon nagapasadya
Sa kada nimu nga pagyuhom
Daw malukso ning taguiposoon
Ginahandum gid nga ikaw ang mahakos
Sa akon nga butkon ikaw ang makugos
Ipabutyag ning ginabatyag
Bangud ini na ang natublag
San-o ko pa bala ina maangkon
Inang maila mo nga taguiposoon
Kuntani paghigugma mo ang akon maangkon
Ginapangako ko ikaw lang gid ang akon pagasimbahon

TM SIM

Samtang nagamoderno ang panahon,
nagaupod man ang mga pamatan- on,
sang ginbun-ag ining mga computer kag cellphone,
nagtuhaw man ang makahalalit nga mga jejemon.

Husto nga mga gramatika nga tinun- an,
amat amat na nga nagataliwan,
pati ang husto nga mga paminatasan,
amat amat man nga ginakalimtan.

Ang pagpahapos sang komunikasyon kag mga impormasyon,
ang nahauna nga rason sang aton nga mga alamon,
kun ngaa ang teknolohiya aton naangkon,
kuntani sa husto nga pagginawi ini gamiton.

Cellphone ,gamiton sa mga emerhensiya,
o di gani pakipag- abyan kag komento sa mga balita,
indi nga sa pagpangsasko, nobyo nobyo o nobya nobya,
napabay an mo na ang pagtuon, kakita ka pa kontra.

Jejemon na ang grupo nga lapnag subong nga panahon,
sila ang mga tinuga sa computer kag cellphone,
wrong spelling nga mga tinaga ang ila ginapalapta,
nga nagapalikaw sa insakto nga tinun an sang mga bata.

Ini nga panalambiton, ginahalad ko sa mga pamatan- on,
kuntani mabuksan ang inyo panumduman kag balatyagon,
henerasyon kamu nga ginasandigan sang pungsod naton,
nga makabatak sining umang naton nga sitwasyon.

Daku gid ang mabulig sining teknolohiya nga mga moderno,
makapahapos sang aton adlaw adlaw nga pagsinarayo,
kung aton ini gamiton sa buluhaton nga husto,
piho kadalag an gid ang maangkon mga nene kag toto.

Ang mga dalagku nga palaligban nagagikan sa gagmay nga butang,
gani, ining mga wrong spelling sang mga jejemon indi niyo na pagpabuyan buyanan,
kung indi matapna sa gilayon, piho gid nga makaupang,
sa husto nga pagtuon ninyo mga kabataan.

Gani, panumdumon ninyo mga pinalangga nga pamatan- on,
tagaan limit ang pagsunod sa mga moderno nga sitwasyon,
indi magpadasu- dasu ,inyo gid kuntani nga binag- binagon,
kung ang butang nga na makapaayo o makahalit sa palaabuton.

Sa mga ginikanan nga gapamati sa sini nga waragwagan,
bulubantayi o laygay laygayi man ang inyo mga kabataan,
sa husto nga pagdumala o paggamit sining teknolohiya nga moderno,
bangud may TM SIM na nga sugilanon subong nga tiyempo.
Teknolohiyang Moderno- Sa Ila Makapabag- o.

Wika ( Talumpati)

“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata,makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.”
            Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika…ang Wikang Filipino.
            Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
            Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
            Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
            Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
            Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.  
            Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
            Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.
            Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
            Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
            Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
            Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

Edukasyon ( Talumpati)



            Edukasyon ay di mananakaw ninuman,  kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.
            Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan an gating pag- uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam.
            Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali n gating pamumuhay…lalung lalo na ng mga kabataan.
            Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga internet cafĂ© ang nagkalat. Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag- aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito  ba ay ginagamit natin sa tamang paraan?
            Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag- aaral. Katulad sa mga pananaliksik…hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode mo lang ang topikong hinahanap mo…mag-antay ka lang ng ilang segundo..binggo na .. makikita mo na ang hinahanap mo.  
            Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga panahon ng kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag- antay ng ilang buwan maipadala at tumanggap ng sulat. Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo..tanggap kaagad.
            Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa walang kuwentang bagay. Sa halip na magresearch para sa assignment…DOTA, counterstrike, YM at facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipagtextmate ang pinagkakaabalahan. Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa kinaumagahan…ang siste nakikipagtextmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa klase..bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga magagandang quotes, mag- a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo ang kinabukasan, malulugmok sa  putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya.tsk tsk tsk…hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama ang mga maling paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.
            Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga dayuhang ang piniling mag- asawa ng isnag Pilipino nang dahil sa ating kultura. Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin, mapagkumbaba, masunurin, at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating mga  kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga ganitong uri ng mga katangian ay mapapadali ang ating pag- unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama. Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.
            Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang na daan sa pakikipagkaibigan. Ditto nalilinang ang mga kakayahan na sangkatauhan.  Nahahasa rin ditto ang tiyaga ng mga kabataan s apagkamit ng tagumpay. Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan, mapapalayo sila sa bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos ng buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang emosyonal at intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.
            Kayat mahal kong mga tagapakinig…lalung lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag nating antaying mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama sama nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na inaantay ating bayan. Sapagkat tayo ang tinaguriang pag- asa ng bayan.

Ang Puno bilang Nasyon

ang isa ka puno mangin mabinungahon
kung ang nagasagod may taguiposoon
husto ang pag- abuno, husto ang paglambon
piho ang produkto sini, lapaw pa sa ginahaum

apang, kung ang nagatatap nagapabaya
makabunyag man o sa hindi,tama na sa iya
inugbakal sang abono, iya ginaibanan
ginabutang sa bulsa , unahon ang kalipayan

mga pinalangga ko nga mga kauturan
ini nga panalambiton akon padalman
natuhoy sa  makasiligni nga kahimtangan
sining nasyon nga Pilipinas, Dutang Ginkatawhan.

Husto nga pagdumala ang kinahanglan sang nasyon
Agud malampasan ang mga upang sa pagtib- ong
Ini sa bulig sang mga yara sa posisyon
Kauturan, maumpisa ini sa balaan nga eleksyon.

Ang pagtib-ong sining cancer nga corruption
Ang rason sang nagalumapaw nga kapigaduhon
Matuod indi madula ang kapigaduhon sa isa ka nasyon
Apang mahagan- hagan ini kung wala sang corruption

Sa mga advertisement,streamers,banners sang mga pulitiko
Nagabanaag nga mga milyones ang ila ginagasto
Sa tion sang eleksyon gaguluwa ang ila nga mga linibo
apang sa ti-on sang pagkapuraot ginalimitahan ang inug- gasto.

Ining pagpanagtag sang kwarta indi na malikawan
Nangin praktikal na lang gid ang mga kauturan
Apang pilia ang nagakadapat sa posisyon
Tampad, may binuhatan, mabinuligon kag maluluy-on

Kailan? (Talumpati)

Isang napakagandang umaga ang aking nasilayan sa aking paggising. Natatanging umaga ika nga. Ako’y naghanda para sa isang natatanging pagtitipon na ito.Nakikita niyo ba itong suot ko? Mahigit 5,000 ang halaga nito, para lamang sa araw na ito. At kung napapansin ninyo na parang umuumbok itong tiyan ko, siyempre, kumain ako nang marami. At teka, may nakakapa yata ako rito sa bulsa ko, ah ito yung mga balat ng kendi na kinain ko kanina.Siyempre, para iwas kaba.
            Ngunit sa aking byahe papunta rito,maraming mga bagay ang nakaagaw sa aking pansin. Mga makabagbag damdamin na mga tanawin. Mga tanawing isa ako sa maaaring sisihin.
            Isang batang lansangan ang tumambad sa aking paningin ng ito’y kumatok sa magara naming kotse. Nanghihingi ng limos. Di raw kumain mula kahapon, at gutom na gutom na. Napansin din niya itong damit, wika pa’y napakaganda raw ng damit ko. Di raw katulad niya na punit- punit. Umusad na iyong trapiko. Natameme ako sa sinabi noong bata. Tama siya napakaganda nitong suot ko at mahal pa. Samantalang ang sa kanya, marahil ang mga pambahay ko na mga damit ay maituturing niyang pinakamaganda niyang damit. At heto, habang ako’y nakamake-up nang maganda at nakasuot nang mamamahaling alahas. Siya nama’y nakamake-up ng mga dumi ng alikabok o kaya’y kuwintas na libag.
            At wika pa ni Daddy na pupunta kami ng Jollibee, McDo, at Greenwich pagkatapos nitong kumpetisyon . Naisip ko iyong bata na naghingi ng limos. Di raw kumain mula kahapon. Tapos , kami, heto 3 fastfood chain ang pupuntahan.Tsk, Tsk, Tsk, tama ba itong ginagawa namin?
            At sa daan, may nakita akong mga anunsyo katulad ng, “give your heart to the flood victims.” Oo, naaalala ko ang nangyari sa Kamaynilaan, ang pagguho ng lupa, ang malalim na baha,mga nangamatay na mga tao, katulad nang nangyari sa atin dito noong kasagsagan ng Bagyong Frank.
            Ho…ano ba tong mga pumapasok sa isip ko? Pero, may katotohanan naman ito mga kaibigan. Hindi na mabilang ang mga batang naggagala sa lansangan. Upang manlimos. Minsan, iyong iba sa kanila, nasasagasaan sa paghabol ng mga pasaherong maaaaring makapagbigay ng panawid- gutom. Malala pa, minsa’y nagnanakaw para lang may ilaman sa mga tiyang kumukulo. Samantalang tayo, nagsasayang ng mga pagkain. Kapag natikman at hindi nagustuhan ang lasa, kaagad- agad na itinatapon sa mga alagang aso o di kaya’y sa lababo. Bakit ganito tayo mga kaibigan? Lalung lalo na sa mga kapwa mga kabataan. Nagsasayang tayo. Winawalang bahala natin ang mga biyayang ating natatanggap. Paano kaya kung balang- araw ay mawawalang parang bula ang lahat ng ating tinatamasa? Magiging katulad tayo ng mga batang lansangan na naglalaro sa dumi. Kumakain ng mga panis. Nasa peligro ang buhay habang nakikipag- agawan sa limos na maaaring maibigay ng mga taong mahihingan. At higit sa lahat, hindi nakakapag- aral at  kinukutya  ng mga taong nakaririwasa sa buhay.
            Sa isang araw na ito, bumili kami ng damit na ito. Pagkatapos, hindi ko naman ito magagamit araw- araw. Habang iyong ibang bata o pamilya, halos di makabili ng isang saplot. Maluho tayo mga kaibigan. Hindi lang basta, usaping damit ito. Naririyan ang mga modernong bagay na ginagamit natin sa mga walang kuwenta.Katulad ng cellphone at computer.
            Kasabay ng pagdating ng mga teknolohiyang ito, kasabay rin na nawalang parang bula ang pagpapahalagang Pilipino… ang kultura nating mga Pilipino.
            Araw-araw mo mang daanan ang mga mall, siguradong hindi ito mawawalan ng mga kabataang nagliliwaliw. Pamamasyal kasama ng mga barkada. Pero, kapag ginising mo para magsimba…ni ayaw gumalaw,ayaw sumama…ang siste pa’y…andyan naman ang Diyos kahit saanmang dako…kahit sa CR pwede akong magdasal..maririnig niya rin naman ako.
Isang kabuktutan. Malayung malayo sa pananaw ng mga kabataan noon.
            Cellphone…teknolohiyang makabago.
            Wr na u? hir na me?
            Txtmate, eyeball,buntis. Yan ang epekto nitong makamandag na cellphone…cp ika nga.
            Nawala ang mga gramatikang pinag-aralan. Pati ang tamang pakikipag-usap sa mga magulang ay nawalang parang bula. Mas inuuna pa ang pakikipagtextmate kaysa sa paggawa ng mga takdang aralin. Hindi nakakatapos ng pag-aaral sapagkat may mga textmate na kinakatagpo. Nawala na ang dating Maria Clara . sa halip na sa bahay nililigawan,Kahit sa gilid ng daan naglalambutsingan. O  di kaya’y sa plaza nagtutukaan, nagyayakapan. Walang pakialam sa mga nakakakita.At kapag nadisgrasya, mahihinto sa pag-aaral, sasabihin nagkamali lang o di kaya magulang ang magkakaproblema dahil nagkapamilya nang maaga ang minamahal na anak.
            Ganito na ba ang pagpapahalaga ng mga bagong henerasyon? Ito na ba ang epekto ng modernisasyon?
            Mukhang namamali yata ang pagkaunawa niyo mga kapwa ko kabataan.
            Hindi ba’t ang natatanging layunin ng teknolohiya ay para mapadali ang ating mga gawain? Upang hindi masayang ang ating oras, panahon at pera? Upang mapaayos ang ating gawain? Upang mapaunlad ang ating lugmok na estado? Ngunit ano ang ating ginagawa? Inaabuso natin ito!
            Computer…parang tv..parang calculator…parang typewriter…parang telepono…parang andito na lahat ng kailangan ko sa pakikipag-ugnayan. Hindi mo na kailangan pang mag- antay ng buwan para matanggap ng sinulatan mong tao, at isa pang buwan para matanggap ang sagot mula sa kanya. Sapagkat sa tulong ng internet, ng e mail…ilang minuto lang andiyan na.. o di kaya’y mayroon na tayong yahoo messenger na makakapagchat na tayo..o di kaya’y makapag -webcam…o kitams para na kayong magkaharap niyan. Kaya lang, halos ang iba sa atin, sa halip na sa mahahalagang bagay ito gamitin ,pakikipagchatmate sa kung sinong mga tao. Magpapadala sa mga magagandang emoticons, mga graphics..tapos sa bandang huli magsisisi. Nandito rin sa computer ang scientific calculator…mahigit pa nga kung tutuusin…eencode mo lang mga data mo, ilang segundo lang nacompute na...mayroon din diyan cd- rom player…na kung saan pwede kang manood ng mga cd na magagamit sana sa iyong mga kakailanganing impormasyon sa iyong pag- aaral. O di kaya’y mag youtube ka para manood ng mga mahahalagang bagay na makaragdag sa iyong kaalaman bilang isang mag- aaral.
            Mga likha ng siyensya na makapagpapadali ng ating buhay, na makatutulong sa paglinang ng hinuhukay nating edukasyon.Sapagkat ang Edukasyon ang natatanging sandata ng mga mamamayan laban sa mga mapanlinlang na kahirapan at sa agos ng buhay. Ito ay nagsisilbing araw na nagbibigay liwanag sa daan na ating tinatahak. Bala ng kanyon na pumupuntirya sa mga bagay na kailangan sirain na makahahadlang sa ikauunlad ng isang pagkatao. Maituturing din itong isang pinakamataas na kura na tinitingala ninuman.
            Nakaraan lamang ay ating dinanas ang isang kalunos- lunos na pangyayari, ang galit ng kalikasan. Gumuho ang lupa, madaling tumaas ang baha at maraming mga namatay na mga tao. Sino ba ang dapat nating sisihin? Ang Diyos? Ibang tao? O baka tayo?
 Naalala ko kanina ang itinapon kong balat ng kendi. Tsk, tsk, tsk…malaki pala ang nagagawa ng munting balat na iyon. Kung titipunin ko ang lahat ng mga balat ng kendi na itinapon ko kahit saan, pwede na iyong pumigil sa dinadaluyan ng tubig.
            Bakit ngayon ko lang ito naisip? Ikaw, ilang kanal na ba ang napigil mo? Ilang puno na ba ang pinutol mo? Ilang tao na ba ang naapektuhan sa ating mga kabaliwan, kairesponsable? Ilang pera nab a ang nasayang mo sa mga walang kuwentang bagay?

            Kailan pa natin sisimulan ang pagbabago mga kaibigan?  Kung isa pang Bagyong Frank, Ondoy o Pepeng ang darating? Kung isang batang mamamalimos ang aantig sa ating damdamin? O kaya’y, kung maranasan natin ang naranasan ng mga biktima ng ating pagka-iresponsable. Bakit? Ito ba ang kulturang ating kinamulatan… ang pabayaan ang ating inang kalikasan?
           
            Hindi pa huli ang lahat mga kaibigan. Nasa ating sarili ang solusyon ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Ang kahirapan ay mababawasan kung tayo ay magbibigayan. Ang kaunlaran ng katauhan ay maapasakamay kung ang makabagong biyaya ay gagamitin sa tamang paraan. Ang galit ng kalikasan ay hindi aapoy kung tayo ay mag- aalaga sa ating kapaligiran. Sapagkat, magiging maayos ang isang bansa, kung ang mamamayan ay nagkakaisa, ang bawat tao’y may disiplina, na ikauunlad ng tinubuang- lupa. Kaya’t mga kaibigan, sisimulan ko na ito ngayon. ( pupulot ) ikaw, kailan ka magsisimula?

Dakilang Alila...Dakilang Atleta

---PIYESANG GINAMIT NAKARAANG PRISAA 2010 NA NAGKAMIT NG IKATLONG GANTIMPALA DAHIL SA KAHUSAYANNG IPINAKITA NI CARYL FAYE CO  AT SA TULONG NI  REBELKAGE.

( humihingal)
            Naku!!! tama na, ayoko na, pagod na ako. Pasabugin na ang Iloilo
            Uy, andiyan pala kayo? Ako si Caryl ang dakilang alila ng Iloilo. Dahil sa kaliitan kong ito, marami ang umaalila sa akin, number one diyan ay si Gwen ang mortal kong kaaway. hindi naman siya maganda kaso lang maraming kwarta.
            Pero.  Whaaaaaaaaaaaaaa! Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw! Parati na lang akong pinagdidiskitahan. At ito, itong mga gamit na naman na ito…pinapadala sa akin sa tuktok ng langit.
            ( sasampalin)
            Ouch! Ang face ko!
            Haleer! Hoy bulilit, Face? Facebook  siguro hahahaha.
            Ano na naman ba Gwen?
             Ang mga gamit ko, ipanhik mo iyan sa silid- aralan natin, wala ako sa mood na magpuyat para riyan, masisira ang kagandahan ko, ang tunay na kagandahan! Magpapacute pa ako kay Zander ko.
            Pero!
            Wala nang pero pero pa, gawin mo iyan, kung hindi malilintikan ka sa akin. baka gusto mong ibitin kita nang patiwarik diyan.
            Gwen!
            O ano gagawin mo o hindi? Madali akong kausap!
            Oo na!
            ( Lalakad. Matatamaan ng Bola)
            Araaaayyyy, sino ang humagis ng bola? Eto, pulutin ninyo. ( Spike)
            Nakakainis naman nitong buhay ko, tagabitbit na nga natamaan pa ng bola.
            Miss!
            Ay anak ,ka ng kabayo.. Ano kailangan….. ( tulala) ….. mo?
            By the way ako si Zander, ikaw?
            Rider? As in Mask Rider? ( tulala pa rin )
            Zan-der…ikaw ano ang name mo?
            Ah ako si Zander este Caryl.
            Ah, nakakatawa ka naman, nga pala nakita ko ang pagspike mo sa bola.May potential ka sa volleyball. Baka gusto mong sumali sa volleyball team ng ating school ?
            (Loveteam sa aming school? Siya? At ako?) Sige sige payag ako.
            Okey. Kita tayo sa court mamayang hapon. Magsuot ka ng pang-sports, ha.
            Sports attire? Teka Zander, bakit sports attire?
            Magtatry out ka mamaya para sa volleyball. Naghahanap pa kasi kami hanggang sa ngayon eh.
            Ah… volleyball pala…kala ko..sige..punta ako mamaya.
            Okey, nice one! Kitakits.
            Naku, sayang, akala ko loveteam…pero okey lang… Kaya ko ito.
            Nagsanay ako. takbo rito, banat doon, palo rito, spike doon. Ang dali! Chicken! Hindi ako natakot sa bola. Dahil sa dedikasyon ko nakasali ako sa volleyball team ng school. Nagkaroon pa ako ng tiwala sa aking sarili. At nabansagan pa akong Small but Terrible!
            Hoy! Lampang alila! Eto ang aklat ko, dalhin mo sa room natin.
            Ako ba ang tinutukoy mo?
            Aba aba aba! Astig ha! Bakit kakasa ka ba? Remember…
            Sorry, pero hindi na ako takot sa iyo Gwen, ang mga aklat na ito? Uhmmmm eto ikaw ang magbitbit ng gamit mo.
            Caryl!  O ano tayo na? Oras na ng ensayo?
            Za- zander? Magkakilala kayo?
            Oo, kaibigan ko siya. Isa siya sa magaling na volleyball player..
            Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa, kaibigan mo siya? Ako na mayaman, maganda, di mo man lang nakausap. Oh my God, hindi ako makahinga..help me…help me!
            Hayy buhay, ganyan ang buhay, minsan ikaw ang bida,  minsan ikaw ang kontrabida…haaayyy. Uyy andiyan pa pala kayo. Ako si Caryl….Dakilang alila? No way!!!! Dakilang Atleta.
            O caryl, meryenda tayo after ng game ha?
            Oks na oks Zander.
            O ayan! Inaya ako ni Zander ,baka, may aaminin..hehehehe…basta mga kaibigan, wag kang matakot, lahat tayo  may tinatagong kakanyahan. ipakita ito at  baka ito na ang simula upang makilala ka ng bayan.

Inspirasyon Ko

Hunyo 19, 1861
 nabun-ag ang pinasahi nga Pilipino
didto sa bahin sang Calamba, Laguna
Siya si JOSE RIZAL PROTACIO MERCADO Y ALONZO REALONDA
mamalaybay, dramatista, nobelista
iskultor, doktor, linggwista
pilang nahot lang ina nga dalan
nga gin- usoy ni rizal nga hangkilan
apang bangud sang iya nga kinaalam
nagluntad ang mga nobela nga bangkilan
Noli Me Tangere kag El Filibusterismo nga bangkilan
nagpuntirya sa mga mamimigos sa Dutang Ginkatawhan
bangud sang nagluntad nga kamatuoran
ginhaboy sing iya sa Dapitan
Disyembre 30, 1896 siya ginpamatbatan
alas 7:03 sa Bagumbayan
gin- atubang niya ang Balaan ng Kamatayan

Pagpanakayon sa Gugma

ang gugma  kaangay sang pagpanakayon
gapasimpalad ka sa isa ka relasyon
bagyo,hagunos imu atubangon
tanan imu pagahimuon
mapabutyag lang gugma nga ginadihon

Gugma kag Ang Dagat

kapawa matood ang isa ka gugma
kaangay sang dagat ikaw ang mahangawa
kaangay kun ikaw malunod sa iya kasangkaron
dughan mo malunod kun sa gugma mangin ulipon
sa  dulhugon sang dagat may kabukiran
kaangay sang gugma may kasangkaron ang nabatyagan
kun magtaklad ka sa limitasyon
piho gid kalisod ang matupa sa balatyagon
kaangay sang dagat nga mabalud
sa gugma may tion man sang kalisod
daw masuka ka sa llingin sang imu ulo
daw mapatay ka kun bayaan ka ka imu migo.

Abyan Nalang

nadumduman ko sadto anay
sang kita pa ang gaupdanay
matam-is nga tinaga nga daw sa kalamay
naghatag sa akon dughan sang kalipay
gulpi lang nagliso  ang sitwasyon
ako gintalikdan mo wala paabiso
daw sa ginsaksak ining corazon ko
sang nadula ka sa kabuhi ko
apang salamat ako ang ginbalikan
bisan sa termino nga abyan nalang
gugma ko yari pa sa dughan
tubtob sa katubtuban ini ang pagahuptan

Atleta nga Ilonggo: Kusog Ka Sang Pagbag-o


Ako gid ang naurungan mga kaabyanan
nadula ang kulba nga akon nabatyagan
sang makita ko ang mala- Adonis kag mala- Venus nga kaanyagan
nga mga hurado nga yari sa akon atubangan

Samtang wala ko pa mapadalman ini nga sugilanon
matam-is nga pagpanamyaw ang isab- og ko sa mga nagtipon
Maayad- ayad nga adlaw sa mga bumulutho, manunudlo, ginikanan kag hukom
nga nagkari agud makasaksi sang paindis indis sang mga sugilanon.

Atleta nga Ilonggo Kusog sa pagbag-o ang aton pagaistoryahan
Handa na bala kamu sa pagpamati mga abyan?
itakod na ang mga seatbelt sang inyo nga mga pulungkuan
bangud kita ang magakayab agud aton makit- an ang mga ginatago nga kinaadman.

Iloilo ang banwa ta nga ginahingadlan kag ginakahamut- an
sa sining dyutay nga isla madamu sang natago nga kinaadman
mga lalantawon nga gikan sa aton madagta nga kadunaan
mga Ilonganon nga bantog sa kinaalam kag amu man sa patag sang hinampang.

Inyo bala nabatian ang ngalan nga Denver Cuello
Sa patag sang boxing masupog ini nga tawo
nanghulam ka itsura sang ido ang iya kaengkwentro
mata naghalalabok, bibig nagbululuslo

idugang ko si James yap nga bantog sa pagbasketball
pamatyagan niya sang bola daw sa bayabas nga mahapos lang nga matukbol
sa paghatag niya sang dedikasyon sa sini nga hampang
nadagit pa niya ang kay Kris Aquino nga dughan.

Mga pilang nahot pa lamang ina nga mga atleta
nga naghatag sang dungog sa sining aton nga banwa
Atleta nga nangin isa ka maayo nga halimbawa
kuntani mga pamatan- on inyo ina nakita.

Ining dughan nga lamharon daw kaangay nga gintapan sang pison
bangud sang lulubngan nga kahimtangan sining aton nga pamatan- on
 Counterstrike sa aga, DOTA sa udto, Special Force sa hapon
Daw kanami ibunggo sanday toto, pinahan kag pangguripaton

kun sa bahin naman sining mga kababayin- an nga mga pamatan- on
tsismis sa aga, lagaw sa udto, pagkagab-i ,facebook ukon ang cellphone
daw langka sa kadamu sang punggod ang ila nga nawong nga nami sapsapon
sa pagpulaw sa kagab- ihon, mata ni iyay nagadalalalum
kag kun magbusong,, ara imu tiyabaw ni nanay daw ginaihaw nga baka sa fiesta celebration.

ining sugilanon ginapahanungod ko sa mga lamharon
pagapaat-hagan ta kamu sa sini nga tini- on
pamati anay sa akon, pahigad ang PSP kag ang cellphone
ihanda ang inyo dulunggan ilabi na ang kaugalingon

mga pinalangga ako ang may igabahin
isa ka prinsipyo gikan sa akon nga kasing kasing
sa aton kaaraydan, kita ang magkaptanay
bangud, wala may makalutus kun kita ang gabuligay

 mga pamatan- on, imuklat na ang inyo mga kalimutaw
sa patag sang hinampang, kamot mo na ang ibayaw
ibantala ang sulo nga simbolo sang aton kadalag- an
sulo nga makahatag sang kasanag sa ginausoy naton nga dalan

Kapti sang maayo ang javelin nga mataliwis kag matalom
tanan nga makapaayad sa aton nga bwasdamlag aton puntiryahon
agwantaha ang paghakwat sang shotput nga tama kabug-at
bangud sa kabuhi daw kaangay ina sang problema nga sa aton abaga nagadapat.

ihatag ang kusog sang mga batiis sa paglumpat sang hurdle nga yara sa imu dalan
bangud daw kaangay ina sang isa ka pagtilaw sa aton kapalaran
panumdumon naton ang tanan nga upang may katapusan
agud maangkon naton ang nagabanaag nga kadalag- an.

Atleta nga Ilonggo kusog ka sang Pagbag- o
ikaw ang mangin sulo sa banwa naton nga Iloilo
ipakita mo nga kita may ginatago man nga kinaadman
bisan magamay kita nga isla, kita man ang may kinaiya nga lain sa iban

Mga wala pulos nga libangan, iwaslik ina mga pamatan- on
Yara ang balaan nga hinampang, ipasanyog naton
ini ang yabi sang aton pag- ululugyon
Makahatag lingaw sa kaugalingon, kag dungog sa banwa naton

hasta na lang diri ang akon nga panaysayon
kabay nga nagtudok ini sa inyo nga taguiposoon
apang ginahingyo ko nga kamu ang magyuhom yuhom
bangud madasig magtigulang, ang masami nagakurisong

sa liwat suguran na naton ang pagbag- o pinalangga
kusog ka sang pagbag- o, Ilonggo nga Atleta

Salamat

Mutias gracias sa katsila nga lenggwahe
doomo arigatoo gozaimasu sa niponggo nga pang abi abi
kag kun sa inintsik, xie xie ni nga tinaga
madamu nga salamat sa ilonggo nga sultada.

ini nga binalaybay ginahalad ko sa imu
bilang pakita sang pagpasalamat ko
sang ginhatag mo nga mga pelikula
ako gid ang nakaangkon sang kasadya

_________ abi ko sang una koreano
gale isa man ka kasimanwa nga ilonggo
kuntani indi ka magabag- o
mangin abyan tubtob san- o

tandai lamang akon nga amigo
di maghuya huya kun may maibulig ako
saligan mo,basta lang nga makaya ko
piho, wala duda, itanyag ko ang masarangan ko.

di lang pagkalimti ini nga ngalan
Farah Grace aka Farahluman
kun ako man ang madula sa Tiong San
kabay nga mapabilin ka nga akon abyan..



=)

White Smile by Rebelkage/ CA

Looking from far away
There you are watching my way
Your great smile hit my eyes
Sparkles suddenly arise.

My road is too narrow
You help me walk slowly
For your smile so lovely
That everybody can see.

Every night we walk
 Together we talk
Then you suddenly look
Your smile made me folk.

One day you asked
I don’t know how to start
Then suddenly you smile
And I thought I died.

Now that your still there
I’m thankful you’re here
Even night is clear
Finding you is too rare.

Isang Kisap- Mata

Isang kisap mata ikay nakasama
Nagbigay sa akin ng ligaya
Puso’y nagagalak sa tuwa
Kapag kapiling ka s atuwina
Tuwing hapoy nag-aabang
Umaasang ika’y mamasdan
O kahit man lang masulyapan
Imbay ng iyong katawan
Di maipaliwanag itong nararamdaman
Tuwing kasama ka sa silid aralan
Pagod ko’y madaling maparam
Pag nag- umpisa na ang kakulitan
Ngunit sadyang ito na ang tadhana
Lahat ng nakapagpapasaya’y nawawala
Tulad mo, isang kisap mata’y nagbigay- tuwa
Isang kisap mata’y nagdulot ng luha.
Ngunit wala akong pinagsisihan
Minamahal kong kaibigan
Mananatili ka dito sa puso’t isipan
                                                          Kahit pa ako’y iyong kalilimutan

Sa Pamangkot Nag-umpisa

Sa tion nga mag-upod kita nga duwa
Indi gid mapunggan ining mga mata
Nga  ikaw ang tulukon o himutaran
Bangud  gaunong diri ang akon dughan
Nadumduman ko sadto anay
Sang kita indi pa mag- abyanay
Una ka nga tinuga sa akon nagpakanubo
Sa akon pamangkot, saka padalom na tulok naagom ko.
Dili gid ini makakas sa akon panumduman
Bangud yadto nga adlaw akon nga kaadlawan
Pwerte ang kaugot nga akon nabatyagan
Kag nagpromisa nga ikaw ang pagabaslan.
Apang kung magtabo ang banas ta nga duwa
Indi makadiretso tulok ining mga mata
Pinasahi nga balatyagon nga indi ko kaintindi
Bangud bisan pangalan mo sadto wala ko mahibal-i
Nagdisidir ako nga dulaon ka sa akon panumduman
Apang akon nga nasayran ikaw ang may napangaluyagan
_________________ ang iya pangalan
Kainit, kaugot, kasubo ang akon nabatyagan
Sadto ako pa ang may kahagugma
Apang sadto nga ti-on ako ang nagduwa duwa
Kung sin-o ang akon ginapalangga
Ikaw na bala ukon siya?
Apang subong wala na siya
Sa iban nga butkon naangkon siya
Sa pihak nga bahin, nag-abot ka sa akon kabuhi
Sang ginpamangkot ka sa intermission sang CAT
Nangin parte ka na sang kada adlaw nga pagginawi
 Dili makumpleto ning adlaw kun di ka upod sa pagpuli
Ang laragway mo dili makuha sa akon panumduman
Kay bisan sa tagsa ka damgo, wala paltos, ako imu ginaupdan
Sa pihak sang pagpangibot nga akon maagom
Ini ginabalewala, bangud ako man ang malipayon
Bangud ikaw naman ang akon maupod sa malip-ot nga ti-on
Agud akon makusi, madugsing, malumo lumo nga sa akon makapayuhom.
Sa akon panumduman, dili makakas ang imu laragway
Sa ti-on nga kita ang maglangu langu kag magsuyaay
Ang inagi mo nga mga panghulag akon ginabalik balikan
Kung ako na ang makabatang sa akon hiligdaan
Big T, tae, sanamabetsin, ti ano  nga mga sugilanon
Mga pangkabo nga akon maangkon
Apang ini ang sa akon makapayuhom
Kag kis-a makapautoy- utoy kadlaw bisan gaisahanon.
Akon pinalangga, natandog gid ining taguiposoon
Sang ako ang gindangpan isa ka gab-i nga maulanon
Apang ako ang gapangayo sang pasaylo
Bangud sang natabo ,nagluntad ang mga isyu.
Madamu nga salamat akon pinalangga
Nga sa akon kabuhi, ikaw  ang  nasugata
Kabay nga  dili mo ako malimtan
Bangud dili ka madula diri sa akon nga dughan.

Salamat

Kalipay ang akon nabatyagan
Daw nagalupad sa kahawaan
Nagamartsa ining akon dughan
Sang ginpabutyag niya ang nabatyagan
Madugay nga tini-on ang ginhulat
Nga ang gugma niya sa akon magtapak
Dughan ko ang nagalumpat- lumpat
Sang ang pamangkot ko iya ginsabat
Tingog sang mga anghel ang mabatian
Ambahanon nga matam-is sa dulunggan
Kaangay sang paraiso ang ginakahimtangan
Daw sa nag-untat ang dalagan sang orasan.
Madamo nga salamat akon abyan
Nga ako imu man natalupangdan
Bisan sa paagi nga hampang hampang
Kaangay ni ________ nga imu gintiaw tiawan.

Responsibilidad Ta

Ako gid ang naurungan mga kaabyanan
Nadula ang kulba nga akon nabatyagan
Sang makita ko ang mala- Adonis kag mala- Venus nga kaanyagan
Nga mga hurado nga yari sa akon atubangan.

Daw sa indi ako makapati sa subong nga tinion
Yari ako nagatindog agud magpaalintun
Sang isa ka panagupnop halin sa isa ka pamatan-un
Nga kaangay sang kabalyero nga nagabanaag sa kagab- ihon.

Yari naman kita subong sa isa ka kadam an
Agud husayon ang isa ka palaligban
Natuhoy sa gakalatabo sa sining Dutang Ginakahamut- an
pagtaas sang balatian kag pagkawasaag sang kadunaan

sang ako ang makalabay, sa higad sang baybay
akon nasiplatan basura gakapay kapay
kung ikumpara ta sa tawo  daw sa naga hi
kaangay sang mga Ms. Universe, nga nagaki- ay ki- ay.

ako ang naglungo lungo sa akon nga nakit an
sa pihak nga bahin, ginliso ko ang akon panan- awan
kagulangan naman ang nadakpan sining akon kalimutaw
daw sa indi mu na matawag nga kasiutan bangud husto na ka sinaw

Nagligad lamang nga Agosto , Miss Universe ang ginhiwat
Sabat sang lin- ay nga si Venus Raj, masami ginaliwat liwat
Major major niya nga sabat, konektado sa tanan nga butang
gani subong hatagan ko ini koneksyon sa aton ginahambalan

major major ta nga palaligban sa sining Dutang Ginakahamut an
amu ang pagka iresponsable sang mga nagapuyo nga  katawhan
ilabi na sa mga kaangay ko nga mga pamatan- on
paugtas ang obra sa aga, sa udto kag amu man sa hapon

ining sugilanon ginapahanungod ko sa mga lamharon
pagapaat-hagan ta kamu sa sini nga tini- on
pamati anay sa akon, pahigad ang PSP kag ang cellphone
ihanda ang inyo dulunggan ilabi na ang kaugalingon


nagligad lamang nga mga tinuig aton nga nasaksihan
isa ka makasiligni nga hitabo ang aton nadangtan
sang maghugaas ang bagyo nga ginhingadlan nga Frank
nabutang sa ital- ital ang kahimtangan sang aton Dutang Puluy- an

sa subong naman nga tinion mga kaabyanan
nagahari ang Dengue sa syudad nga ginakahamut an
bangud sining mga lamok nga nagapanghalit sa aton panglawason
nga gikan sa mga mahigko nga ugsaran nga ginasayuhan naton.

Ano bala ang gintunaan sining mga kalamidad
di bala, ang pagkalipat sang aton responsibilidad?
kaangay sang paghaboy sining aton nga mga basura
numero uno nga gintunaan sang aton nga problema

sa kada putos sang mga pagkaon nga inyo ginalapta
makapapugong na ina sa ginailigan ka tubig mga pinalangga
kag kung pangitlugan ina sang lamok nga aedes aegypti
piho gid, migo , miga,sakam sakam mo gid ang balatian nga Dengue

dugangan ko pa gid ina nga panaysayon
kung sa iligan sang tubig , basura ang magsupon
gulpi gani bumagyo, mabaha gid sa gilayon
basi makahimu kita arko kaangay sang ginhimu ni Noah sadto nga tini-on

nagalapnag naman subong ang pagpaupas sang damang
bata, tigulang gapanuhot suhot sa mga kagulangan
gilayon manghangkat agud damang pagapustahan
hala sige, hugyaw, singgit tiyabaw kag kung mapyerde gani black eye ang madag-an

mga pinalangga ako ang may igabahin
isa ka prinsipyo gikan sa akon nga kasing kasing
sa aton kaaraydan, kita ang magkaptanay
bangud wala may makalutus kun kita ang gabuligay

sa baylo nga PSP, Cellphone,kag computer ang atubangon
gwa sa ugsaran buligi si nanay kag si lola sa pagpananom
makapapugong pa sa baha,makahatag sang oxygen kag handong ining kakahuyan
nga sa pilang adlaw makahatag sa aton bunga, kahoy, makapabugnaw pa sa mata kun himutaran


sa baylo nga magpanuhot suhot sa pagpanamang
suhuton naton ang kahigaran sang aton nga ugsaran
Himuon ta ini nga pagpaliwa liwa ukon libangan
naglimpyo na ang palibot ikaw pa ang nabalhasan
ah sa inyo ihibalo ang balhas maayo sa kalawasan

kanugon sining kagwapo kun mahigko ang aton palibot
kanugon ang kwarta sang ginikanan kun may balatian nga nagadukot
gani di pa ulihi ang tanan mga kaabyanan
kita ang maghugpong para sa ikaayong lawas naton tanan

hasta na lang diri ang akon nga panaysayon
kabay nga nagtudok ini sa inyo nga taguiposoon
apang ginahingyo ko nga kamu ang magyuhom
bangud madasig magtigulang, ang masami nagakurisong