Basura

Basura
Katulad ng basura. ako ay itinapon ng aking totoong magulang. Ngunit mayroon tayong kasabihan na sa bawat basura ay may nakatagong kayamanan, at iyon ang aking ipinagmamalaki, sapagkat, narito sa aking mga kamay ang kumikinang na Diploma....ang Diploma mula sa isang Ibinasura.

Tuesday, February 1, 2011

Wika ( Talumpati)

“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata,makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.”
            Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika…ang Wikang Filipino.
            Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
            Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
            Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
            Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
            Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.  
            Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
            Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.
            Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.
            Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
            Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
            Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.

35 comments:

  1. Hello! Ang ganda ng talumpati mo. Gusto ko sana kopyahin kaso nahihiya ako. Hehehe. Pwede mo na lang ba kong tulungan gumawa ng talumpati tungkol sa Wika? Salamat.

    ReplyDelete
  2. ganda naman. pakopya po ha. please payag ka na po. salamat po.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda po ng talumpati mo :), pwede po bang kopyahin? kailangan ko lang po para sa finals ko ... salamat po , God Bless ^_^

    ReplyDelete
  4. pakopya po ng talumpati mo. need ko din po sa finals ee. tnx po..

    ReplyDelete
  5. hi po ! isang npakagandang talumpati po :) pahiram ako ha. tnx !!

    ReplyDelete
  6. Ate Pahiram po ahhhhhh........thanks po.....God bless po.... :)

    ReplyDelete
  7. pahiram po. sobrang galing po ng pagkakagawa.. sorry po kung gagamitin ko..

    Salamat

    ReplyDelete
  8. ate pahiram..
    thx po ate..hehehe nid lang kasi

    ReplyDelete
  9. napakangandang talumpati... medjo nakaka ligalig lang dahil sa hindi pagpapahalaga ngayon sa sariling wika..

    ReplyDelete
  10. pwede ba tulongan mo ako gumawa ng talumpati????????????

    ReplyDelete
  11. miss Pakopya din ako :) wala kasi akong assignment sa filipino . hehehe

    ReplyDelete
  12. Maaam, pa copy po ng talumpati mo. maganda po kasi. Slamaaat po! God bless

    ReplyDelete
  13. Hello po! Hiramin ko lang po. Kailangan po namin. :D Thank you so much po. :D

    ReplyDelete
  14. hi po c carbona po ako,,pahiram muna ng talumpati niyo po para sa final po namin.....salamat po kahit walng reply.... :)

    ReplyDelete
  15. ang ganda naman po ng talumpati mo .. pwede pong pahiram / .. gagamitin ko lng po sa finals .. thank you po

    ReplyDelete
  16. HI! i'll use this on my project.. don't worry i'll put credit. thanks :))

    ReplyDelete
  17. pahiram po ng talumpati mo... please... salamat tlga

    ReplyDelete
  18. ate.. a ganda talumpati mo.. pero waka magalala.. di ko kopya.. since you are not giving a written permission to those who want to copy this.. then it would be considered as plagiarism, if in case they''ll use this for their own benefit.. :)

    ReplyDelete
  19. ate peram aqoh ha ..need qoh lang ..tnx .. GODBLESS

    ReplyDelete
  20. gandang hapon, pakopya ako ha salamat.

    ReplyDelete
  21. Hi! I am a mother of a grade seven student. My son wanted to audition for their Buwan ng Wika, I would like to ask permission to copy your piece.

    ReplyDelete
  22. Pahiram din po ako ng talumpati niyo para sa finals ko

    ReplyDelete
  23. Mam Farah, pa-gamit sng piece mam hah para sa finals ko... Thanks mam...

    ReplyDelete
  24. Pahiram po ng ibang parte. salamat po :)

    ReplyDelete