Basura

Basura
Katulad ng basura. ako ay itinapon ng aking totoong magulang. Ngunit mayroon tayong kasabihan na sa bawat basura ay may nakatagong kayamanan, at iyon ang aking ipinagmamalaki, sapagkat, narito sa aking mga kamay ang kumikinang na Diploma....ang Diploma mula sa isang Ibinasura.

Monday, January 31, 2011

Ugat ng Tadhana

Dear Ate Charo,
 Matagal na po akong tagasubaybay ng Maalaala Mo Kaya…at minsan na po akong nakapagpadala ng kasaysayan ng aking buhay.  Sana po ngayon ay mabigyan ng pagkakataong maisabuhay muli  sa telebisyon upang makapagbigay ng aral. Ate Charo, ako po si Farah Grace D. Jimena ng Iloilo City , 22 taong gulang at kasalukuyan pong nagtuturo sa isang pribadong paaralan dito sa Iloilo. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang mga pinagdaanan ko sa buhay.
                Ipinanganak po ako sa Polomolok, South Cotabato. Ipinaampon po ako ng sarili kong ina sapagkat ako po ang bunga ng pagsasamantala ng kanyang amo. Iniwan ako sa bahay namin at nakita ng kapitbahay namin na walang damit kaya’t ibinigay  niya ako sa mag- asawang walang anak. Ang kinikilala kong nanay ay dating nagtatrabaho sa Dole Phil. at ang kinilala kong ama ay tagapag- ayos ng mga sirang relos. Maganda sana ang naging buhay namin sa Mindanao kaya lang dahil sa pagkasugarol ng aking ama, nagresign ang ina  ko sa  Dole. Tatlong taong gulang pa lamang ako noon ng bumalik kami sa Dumangas, Iloilo upang iwan si papa,pero sumunod din siya sa amin dito sa Iloilo at nangakong hindi na magsusugal. Dito ay naging plain housewife ang mama ko at si papa ay naging tagapag-ayos ng relo. kahit na sa murang edad ko ay naramdaman kong hindi ako tanggap ng pamilya nina mama at papa sapagkat ampon lang ako. Hindi ako kinikilalang pinsan nng mga pinsan ko. Minsan nga sa isang birthday party ng pinsan ko , pinauwi ako ng isa kong tiyahin kasi raw hindi ako kasapi ng pamilya idagdag pang napakaitim ng balat ko.
Araw – araw ay kumikita si papa ng hindi tataas sa isandaan. Nakararaos kami noon kasi nasa elementary a pa lamang ako. Grade 5 pa lamang ako noon nang magsimula na namang sumugal si papa. Kung kaya’t nahirapan si mama,pinalayas niya si papa, kasi halos lahat na ng mga kapit- bahay ay inutangan nito para lamang may ipang -tong its. Wala kaming problema noon sa  ulam sapagkat may garden kami at minsan yun pa ang binebenta ni mama para mayroon kaming magastos. Noon ay walang bayad sa eskwela  pero parati kong naririrnig si mama na nahihirapan siya kasi  kahit na piso wala siyang maibigay sa akin na baon. Kaya’t naisipan ko noong magbenta ng bayabas. Sa hapon nangungupit ako ng bayabas ng lola kong bingi, pagkatapos sa umaga, sunong sunong ko ang malaking kaserola na kinalalagyan ng bayabas,ibenebenta ko ng  piso ang maliliit at 5 piso ang malalaki. Nga pala ate Charo, maitim po akong bata kaya’t parati akong tinutukso ng mga kaklase ko na Ita. Noon kapag titnutukso nila ako, umiiyak ako kaagad pero aaluin nila ako pag umiyak ako pero hindi ako tumitigil sa kaiiyak hannggat hindi nila binibili ang aking bayabas Pagkatapos, pag hapon binibigyan ko ang lola ko ng 10 percent sa kita ko. Anng kita ko ay iniipon ko ito sa haligi ng aming tahanan, bale ginagawa kong alkansiya ang aming haligi,pero tintakpan ko ang butas ng kalendaryo upang hindi makita ni mama. Ngunit nahuli rin ako ni mama, at napalo ako noon kasi nalaman niyang ninanakaw ko ang bayabas ng lola ko kaya’t napingot ako ni mama habang hinihila papunta kay lola. Pero hindi nagalit si lola , ipinagmalaki pa nga ako kasi marunong na raw akong magnegosyo kaya nga lang pinagsabihan niya akong hindi mangungupit. Ang perang naipon ko ay ginamit ko pambili ng uniform ko nang maggrade 6 ako. Bumalik si papa sa amin, tinanggap naman siya ni mama kasi naawa si mama sa mukha ni papa, pumayat si papa.
                Nagtapos ako ng elementarya na with honors, historian of  the year at declaimer of the year. Ipinagmamalaki ako ni mama kasi nakatapos ako ng elementary ay hindi naging problema ni mama ang baon ko sapagkat hindi lang bayabas ang itinitinda ko, kundi pati kangkong, niyog na pinupulot ko sa munting gubat doon sa amin,o kahit na anong pwede kong mailako sa baranggay namin.
                Naghigh school ako ..okey pa naman kami nakararaos sa araw araw na kita ni papa at di rin naman ako tumitigil sa pagtitinda halimbawa mga chucherias at candy, nabansagan pa nga ako na walking canteen…pero ditto ko naranasan ang diskriminasyon. Nasa section 2 ako noon at noon pa ma’y gustong gusto ko nang sumali sa mga sayaw, deklamasyon at lalung lao na sa palakasan..pero mas gusto kong sumali sa folk dance. Ngunit sa paaralang pinag- aralan ko, hindi binibigyan ng pagkakataon sumali ang mga nasa mababa sa section 1. Pwede kang sumali pero dapat maganda ka at maputi. Minsan nagtry akong magpa audition sa folk dance at sa deklamasyon sinabihan ako ng guro na huwag na lang daw akong sumali kasi hindi na man daw ako section 1 at isa pa hindi raw ako maputi. Mas bagay daw sa akin sa track and field kasi wala na raw akong ipuputi . Sapagkat guro hindi na ako sumagot…diretso na lamang ako sa CR para iiyak ang sama ng loob. Minsan naiisip kong sirain ang gamit ng mga umaapi sa akin kahit na guro pa siya pero pag gagawin ko na parang may  pumipigil sa akin.Sinubok ko ring sumali sa mga school paper namin pero ganun pa rin, hindi raw ako section 1. Kaya’t sa kagustuhang makasali sa mga activities, nagpatala ako sa track and field. 
                Nakapasok na ako para sa Regional Meet pero isang pagsubok ang dumating na naman. (3rd year higschool na po ako )Isang araw noon na nag- eensayo kami, bigla na lamang akong natumba, dinala nila ako sa clinic namin. Nang magkamalay na ako , pinauwi ako ng coach namin. Hindi ko yun sinumbong kay mama sa takot na baka patigilin niya ako sa pagtakbo. Simula nang mawalan ako ng malay napansin kong parati na akong nanghihina. Sumasakit ang balakang ko at parati kong nakikita sa loob ng bunganga ko sa dila na may mga namumuong dugo. At may mga pasa ako sa dibdib, sa kamay, at binti o sa mga tagong parte ng katawan ko. Hindi ko yon sinabi kay mama . dahil natatakot ako at isa pa baka ipagamot nila ako, nag alala rin naman ako kasi wala kaming pera, tamang tama lang sa pang araw araw naming pangangailangan.
                Dumating ang Oktubre, napapansin ni mama na paika ika akong maglakad, sabi ko na natalisod ako kayat masakit ang paa ko, pero ang totoo…nangangawit ang balakang ko na hindi ko rin maintindihan kung bakit. May mga oras nga bigla na lang akong matutumba sa school. Pero kahit ganoon na ang sitwasyon ko pumapasok pa rin ako noon sa school. Ayoko noong lumiban sa klase sapagkat baka malaglag ako sa Top Ten…klase naming noon sa science nang nag recite ako, titig na titig sa akin si maam…pagkatapos kong magrecite, tinanong ako ni maam kung anong nangyari sa pisngi ko dahil malaki raw ang pasa ko…nag pa ewan na lamang ako kasi hindi ko rin naman alam ang dahilan. Pero nang matapos an gaming klase…naglilinis kami ng room nang hinimatay ako… dinala ako sa clinic pero matagal na daw akong ipinaamoy ng spirit of ammonia ngunit wala pa rin, kaya’t dinala nila ako sa hospital, ipinasundo si mama. Nang I check ako doon ng mga doctor nakita nilang maraming dugo ang ngipin ko, nakita rin nila ang mga pasang itinago ko kay mama. Pinayuhan nila si mama na dalhin ako sa hospital sa Iloilo City. Maraming Laboratory Test ang aking napagdaanan. Hindi pa nalalaman ang result nang mga oras na iyon nang  sinabi k okay mama na maiihi na ako, tumayo si mama para alalayan ako, pero hindi ko na maigalaw ang paa ko. Umiyak na ako noon. Kasi hindi ko maintindihan ang nangyayari sa amin, idagdag pang wala kaming pera. Nang lumabas ang resulta, napag alaman na mayroon akong  ITP ( Idiopathic Thrombocytopenic Purpura) isang sakit sa dugo na bumababa ang platelet, na nagging dahilan daw nang panghihina ng katawan. Maaaring mabulag,  maparalyze  ang pasyente.  At iyon nga, kasi nang nasa hospital ako unti unti nang lumabo ang paningin ko, hindi ko na naigagalaw ang kamay at paa ko. Pautal utal na akong magsalita. Sinisi ako ni mama sa hindi ko pagsasabi ng mga sintomas pero hindi na ako makapagpaliwanag kasi hindi na ako makapagsalita. Kung kani- kanino si mama humingi ng tulong. Sa kanyang mga pamilya walang nagbigay ng tulong kasi raw hindi naman nila ako kadugo. Ampon lang naman daw ako, hayaan na lamang daw akong mamatay kasi raw pag lalaki na ako iiwanan ko rind aw naman sila. Doon nagsimulang umalma si mama, sinabi ni mama na baling araw lalapit din sila para humingi ng tulong. Na balang araw ay malalaman nilang mali ang mga sinsabi nila sa akin. sa pamilya naman ni papa,may tumulong pero pag naibigay ang pera may mga parinig na ampon raw ako ba’t gingastahan. Hindi naman daw ako kadugo. Pero binalewala nila yon. Minsan sa aking pag- iisa doon sa hospital. Sinisi ko ang Panginoon kung bakit pa ako binuhay. Ipinanganak na maitim, tapos bunga pa nang pagsasamantala, ampon tapos masakitin pa. minura no ko noon ang Panginoon idagdag pang sinasabi sa akin ni mama ang mga sinabi n gaming pamilya. Hiniling ko noong mamatay na ako kasi wala naming kwenta ang buhay ko. Sinabihan na ng doctor na hindi na raw ako tatagal kasi habang tumatagal ako sa hospital, humihina raw ako. Nang mga panahong iyon, bulag na talaga ako, hindi na ako nagsasalita at gumagalaw . isa na lang daw ang pag-asa kapag nabili ang gamut na ituturok sa akin, kaya lamang napakamahal daw noon, hindi ko alam ang presyo. Na ICU na ako noon, kapag wala sina mama at papa sa aking tabi nasa ward sila ( sina mama lang at papa  ang nagbabantay sa akin- sa umaga si mama ang nagbabantay kasi nagtatrabaho si papa at sa gabi dalawa sila). Nang nasa ward si mama may mga pasyenteng nagtatanong sa kalagayan ko…at nabanggit ni mama ang tungkol sa gamut. At isang pasyente doon ang may ganoong gamut, taga aklan sila at may kaya. Dahil sa awa kay mama ibinigay nila iyon kay mama. Agad itong ininject sa akin…at lumipas lamang ang isang araw naigalaw ko ang aking katawan..at sunod sunod na ang iba pang nangyayari. Laking pasalamat namin sa taga aklan na iyon. ( nga pala ang anak niyang naka- confine ay ang una kong boyfriend…first  love ngunit namatay rin siya)
                Bumalik ako sa pag aaral…natapos na ang second grading exam.. nagbigayan na ng card. At ang grade ko ay puro bumaba talaga kung kaya’t hindi ko napasok sa top ten. Pero okey lang kasi sabi ko sa fourth year na lang ako lalaban ulit kasi kapag mayroon kang grade na mababa sa 87  hindi ka na madadala sa with honors.
                Nang mag 4th year ako…masasabi kong pinabayaan ko talaga ang aking pag-aaralan kasi bukod sa parati akong absent sa pagpapacheck-up…sinabihan na ako ni mama na hindi na ako makapag-aaral sa college. Ngunit kahit ganoon ang mangyayari sa akin, kumuha ako ng mga entrance exam sa kolehiyo, at lahat iyon ay napasahan ko, ngunit hindi alam yon nina mama. Simula nang malaman kong ganoon ang mangyayari , ang init ng ulo ko ay dinadaan ko sa panggigiba ng gamit ng mga kaklase kong mayayaman pero mga bobo. Minsan nga ipinatawag ako ng principal dahil itinapon ko ang cellphone ng kaklase ko. Sinabi ko noon na paano hindi ko itatapon eh text siya ng text habang may klase tapos ipinaiinggit niya pa sa akin. Eh sa inis ko itinapon ko…pagkatapos noon ewan kung bakit nasabi kong buti pa nga siya mayaman naibibigay lahat pero pinababayaan naman ang pag-aaral katunayan makalawang beses na siyang mag fourth year.
                Malapit na noong maggraduation at may mga dapat bayaran, ang ginawa ko ay naglibot ako sa aming baranggay at inaplay ko ang natutunan ko sa pagmamanicure, ayon nakaraos naman. Natapos ako sa high school ng walang award. Pagkatapos ng graduation maraming bagay ang iniisip ko…mag alas 9 na noon ng gabi…tulog na sina mama at papa..nag-empake ako ng aking mga gamit..sa isip ko lalyas ako, maghahanap ako ng trabaho sa Iloilo, kahit na katulong o sa mga karinderya na panggabi. Total napasahan ko naman ang entrance exam sa kolehiyo, may tatanggap din naman siguro sa akin, laki ako sa hirap at kahit na katulong papasukan ko makapag- aral lang ako. Nang may tumawag na kapitbahay yon pala ang tiyahin ko sa Iloilo ang tumawag sa cellphone nila…kinausap nito si mama. Ako ang kanilang pinag-uusapan…papag-aaralin daw ako. Doon daw ako titira sa kanila. Maglilinnis lang ng bahay pagdating sa paaralan basta ang importante pasok ako sa Dean’s List. Hindi natuloy ang balak kong paglalayas.
                Sa  West Visayas State University ako nag-aral sa kursong Education. Nakapasa din ako sa scholarship kung kaya’t Miscellaneous lang ang babayaran ko na woth 550 sa bawat semester. Sa tiyahin ko sa Iloilo ako tumira. Sa unang semester ko, okey na okey ang pakikitungo sa akin, 100 pesos ang aking baon araw araw. Naglilinis ng bahay pagdating, magluluto at pagkatapos mag-aaral. Ngunit nang mag second sem na sinabihan ako ng tiyahin ko na, dapat pagdating ko lilinisin ko ang bahay, pagkatapos magluluto,tapos  hahatiran ko sila ng pagkain sa tindahan mga alas 8 (nagtitinda po kasi ng mga ihaw ihaw ang tiyahin ko ) , pagkatapos tutulong ako doon hanggang 11 ng gabi. Uuwi ako ng bahay matutulog ng isa o dalawang oras tapos susunduin na naman nila ako para magbantay ng tindahan sa Iloilo Super Market, hanggang alas 6 ng umaga. Sabi ko paano po ako makapag-aaral niyan eh wala nap o akong tulog at bawal pa pos a akin ang magpuyat kasi may sakit ako sa dugo. Bahala raw ako, pili daw ako, makapag aaral daw ako o hindi. Siyempre tinanggap ko kesa po matigil ako sa pag-aaral.kaya’t ang naging sistema ko kapag pupunta na ko ng supermarket dala dala ko naman lahat ng aklat ko o kaya’y mga assignments ko. Minsan nga kinakantiyawan ako ng mga tindera’t tinder na nagpapakitang- gilas daw ako kasi doon pa ako nag-aaral, pero di ko sila pinapansin. Nang magsimula ang ganoon ang set up, ang dati kong baon na 100 ay naging 20 pesos na lang. Parati akong inaantok sa first period ng klase ko. Maraming beses na nakatutulog ako sa klase. Minsan nahuli ako ng Prof ko, sinigawan niya ako sa harap ng klase ng walanng hiya daw ako, napakaitim ko na nga raw batugan pa ako, bwisit daw ako sa klase…gusto niya raw akong ibagsak kaya lang nagtataka raw siya kung bakit mataas daw ang mga score ko.tinanong pa nga niya ang iba kong kaklase kung sino raw ang kinokopyahan ko, lahat ng kaklase ko noon napatingin sa akin, nagulat ako noon idagdag pang bagong gising talaga ako. Naiyak ako sa loob ng room na iyon, tumayo lang ako , tiningnan ko lang po ang prof ko tapos lumabas lang po ako ng walang salitang binitiwan. Diretso lamang po ako sa CR para umiyak na naman. Doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko. Sinundan ako ng mga kaibigan ko nonn, ng mga nakakaalam ng aking sitwasyon. Inalo nila ako. Hindi ako pumasok sa klase nng prof ng mga tatlong araw kasi naiinis ako sa kanya, binalak kong I drop na lamang iyon, bahala na kung mawala ang scholarship, napahiya na ako, iyon ang nasa isip ko. Sabado noon mga alas 5 nang umaga, nang nasa  Supermarket ako, wala pa naming kostumer kaya’t naisipan kong buklatin ang aklat na ginagamit namin sa prof, parang gusto kong pag-aralan iyon, parang gusting kong  gumanti sa kanya, gusto kong isaulo ang bawat letra para pagdating ng discussion niya masusundan ko ang bawat sinsabi niya. Gusto ko siyang ipahiya. Tumutulo na noon ang luha ko nang may bumili…ang prof ko…natigilan siya.. tinanong ko kung ano ang bibilhin niya. Tanonng din ang sagot niya, kung ano raw ang gingawa ko doon. Sinagot ko siyang ito yong dahilan ng pagiging batugan ko. Nakita niya ang aklat na ankabuklat. Napatingin na lamang siya, uti na lang may isa pang kostumer kasi hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
                Lunes, hindi pa rin  ako pumasok sa klase niya, parang hindi ko alam kung paano magsisimula ulit…namg ipahanap pala ako ng Dean… pumunta ako…nandoon si Prof…napag-usapan ang estdo ko. Nag sorry si sir sa akin…umiyak na alang ako. Sabi niya bumalik daw ako sa klase…nag propose pa siya na bibigyan niya ako ng special class. Bumalik sa dati ang sitwasyon, pero nahihirapan pa rin ako kasi noon anng baon ko na 100 ay iniipon ko, sa isang sem na ganoon ang aking baon ay nakaipon ako ng 6,000 pesos at iyon ang ginamit ko sa iba kong pangangailangan nang magsimulang maging 20 na lanng yong baon ,at noon ay unti-unti nang nauubos kaya’t pumasok ako bilang tutor ng apo ng isa kong guro, tapos kinuha akong student assistang ng prof ko na iyon. 
 Malaki ang naging impluwensiya ng pagtatrabaho ko sa Supermarket sa pagiging madaldal ko, natuto akong lumaban sa mga nang- aapi sa akin, natutong akonng magpahayag ng aking saloobin, kung kaya’t nang mag college ako nakilala ako sa sa pagtatalumpati, pagdedeklamasyon, theatrical dance, sa pagsulat ng tula,pagsulat ng sanaysay at ang pinakagusto ko sa lahat ay ang Debate lalung lalo na kapag ang topiko ay tungkol sa diskriminasyon.
Nagpatuloy ang sitwasyon ko na paglilinis ng bahay, pagtulong sa ihawan, sa supermarket , sa pagtutor, sa pagiging student assistant ko at pagtangagp ng baon na hindi tataas sa 25 pesos.  May isang sitwasyon na muntikan na akong pumatay ng tao. Minsang umwi sa bahay galling sa ihawan, nadatnan ko ang pinsan kong lalaki sa bahay na nanonood ng tv. Bago ako matulog, kahit na pagod ay naliligo ako kasi ang lagkit ng usok  ng ihawan,punta ako ng CR, nakita ko ang gunting sa mesa, ewan pero para may nag-uutos sa akin na dalhin ko yong gunting, binitbit ko iyon, nasa loob na ako ng CR nang maramdaman kong parang may tumitingin sa akin pagtingala .ko huling huli o ang pinsan ko sa taas ng pintuan na namboboso sa akin, sigaw ako ng ubod lakas, lahat ng mura, binitiwan ko sa pinsan ko, isinisigaw ko iyon habang umiiyak, nagising siguro lahat ng mga kapitbahay naming. Pero isinara ng pinsan ko ang pintuan, sinisigawn niya ako na itigil ko raw ang pagmumura kasi raw pag hindi ko itigil susunigin niya raw ang bahay. Pero hindi ako tumigil sigaw pa rin ako hingi ako tulong sa mga kapitbahay, dali dali akong tumakbo sa kwarto ng tiyahin ko kasi wala akong sariling silid at  sa sala lang ako natutulog., isinara ko iyon kasi napansin kong namumula ang mata ng pinsan ko. Pilit na binubuksan ng pinsan ko ang kwarto, nang mabuksan niya ang pinto binato ko siya ng lahat ng Makita ko sa kwarto ,nang batuhin ko siya ng gunting nadaplisan siya sa kanyang leeg,kinuha niya ang gunting, ang mga kapitbahay naman naming ay pilit na ginigiba ang pintuan, itunumba ko ang lalagyan ng damit ng tiyahin ko, nahulog doon ang baril ng tiyuhin ko. Kinuha ko iyon, itinututok ko na iyon sa kanya ng hatawin ang pinsan ko ng kapitbahay naming ng tabla. Hinimatay ako noon, dinala ako ng mga kapitbahay namin sa bahay nila.  May tumawag ng pullis para siyasatin ang nangyari, nasa harap ko na ang tiyahin at tiyuhin ko nang magising ako. Pinakiusapan nila ang pulis na mag-uusap daw kami. Sinabihan nila ako na huwag ko na raw ipakulong ang pinsan ko total daw hinataw naman daw siya ng tabla, nadaplisan naman dawn g gunting. Umalma ako noon. Sinampal ako ng tiyahin ko, wala daw akong utang na loob, sila daw ang nagpapaaral sa akin, sila daw ang nagpapakain sa akin,pag ipapakulong ko daw an gang pinsan ko, sasabihin nila na ginawa lang yon ng pinsan ko dahil nagnanakaw daw ako. Wala akong nagawa noon, pumayag ako sa isang kondisyon na lilipat ako ng tirahan. Inilipat nila ako sa kapatid ng tiyuhin ko.
Mag-iikapat na taon na ako sa kolehiyo nang sinabi sa akin ng tiyahin ko na hindi na ako makapag- aaral. Wala na akong  sabi sabi pa, nagpasalamat ako sa lahat ng mga ginawa nila, nag- empake ako,.. lahat ng nangyari sa akinsa Iloilo ay kailanman ay di ko sinabi kay mama. Natatakot akong baka pauuwiin niya ako sa Dumangas at tuluyan nang hindi makapag- aral. Umalis ako, hindi nila ako pinigilan, ni hindi nila ako tinanong kung saan ako pupunta. Nakitira ako sa bestfriend ko…nagpatuloy ako sa pagtutor at pag student assistant.  May manliligaw ako noon,pinsan ng bestfriend ko, nalaman niya ang aking sitwasyon ko, binigyan niya ako ng pera para daw may gastusin ako, hindi ko yun tinanggap..ibinigay niya sa bestfriend ko, pero ibinalik din ng bestfriend ko. Kaya’t sa kagustuhan niyang makatulong ipinakilala niya ako sa kanyang nanay na isang guro, naging assistant din ako ng kanyang mama. Dahil bakasyon pa lamang noon,nagbalik ako sa pagtitinda,  pumupwesto ako sa gilid ng daan malapit sa resthouse ko ( Don Benito bale west visayas state university medical center na ngayon) , ang sweldo ko sa pagstudent assistant, ibinili ko ng water jug,, juice, Indian mango, singkamas, kape, gatas, thermos, at asukal,itlog,hotdog at ham iyon ang itinitinda ko, tinutulungan ako ng bestfriend ko. Dahil nakaupo lang naman ako, naisipan kong gumawa ng perfume basket, (yari ito sa sabon, taapos babalutin mo ito ng lace at lalagyan ng flowerettes, maaari itong gawing souveneir) nakabuo ako ng isa,katatapos ko lamang itong gawin nang may dumaan na babae. Tinanong niya ako, kung sino ang gumawa, nang malaman niyang ako ang gumawa, binili niya ito tapos nagpagawa pa siya sa akin ng isandaang piraso. 50 pesos lang yong benta ko, pero ginawa niya itong 100 kasi parang mahirap daw gawin. Kaya iyon ang ginagawa ko habang nagtitinda ako. Ang perang ibinigay sa akin ng babae ang ginamit ko sa enrolment ko sa fourth year, gamit ko sa paaraaln at may naipon pa ako pati ang benta ko sa pagtitinda ay inipon ko.
                Minsang nakauwi ako sa bahay naming, sinalubong ako ni mama ng yakap, kasi raw nag-alala daw siya, nalaman niya kasi umalis na ako roon.  Sabi raw ng tiyahin ko, sumama daw ako sa lalaki nang walang paalam pero nalaman ni mama ang lahat ng nangyari sa akin sa mga kapitbahay, alam nila kung bakit ako umalis, alam nila ang ginagaw ng tiyahin ko, alam nila ng lahat ng pagtatrabaho ko  para lang makapag-aral, alam nila ang hindi alam ng mga magulang ko. Tinanong ak ni mama kung saan ko kinuha ang perang pinambili ko ng grocery, sinabi ko na anng lahat ng ginawa ko, ang pagtitinda ko at paggpapatuloy sa akin ng aking bestfriend. Walang masabi si mama, kasi wala naman silang magawa.
                Pasukan na, student assistant pa rin ako ng  aking prof na minsang kinaiinisan ko, tutor pa rin ako, at minsan pati ang Dean ay tumutulong din sa akin, kaya lang hindi na ako naging Dean’s Lister , pero scholar pa rin naman ako, nagpatuloy rin ako sa pagiging assistant ng nanay ng aking manliligaw. Hanggang manliligaw lamang siya kasi ayoko noong pumasok sa isang relasyon dahil sa mga pinagdaanan ko.
                Nagtapos ako sa college. Nang tanggapin ko ang aking diploma, tumayo sina mama at papa, lahat ng kaibigan ko, mmga kaklase ko, lahat ng prof ko pati ang Dean, pumalakpak at yumakap sa akin habang ako’y umiiyak.
                Ang Diploma na iyon ang magiging simula ng aking pag- unlad. Plano ko nang kinaumagahan ay mag- aaplay ako sa mga pribadong paaralan. Ngunit  nagkasakit si papa at ang mga naipon kong pera ay  ginastos naming sa pagpapahospital. Naubos ang lahat ng aking ipon kung kaya’t nagkaproblema na naman ako sa perang gagamitin sa paggawa ng application letters. Pumasok ako sa isang Safety distributor sa mga tank eng LPG, naging OJT ako roon for 2 days lamang  dahil ang perang allowance doon ang ginamit ko sa paggawa ng application letter ko.
                Ngayon, nagtatrabaho na ako sa isang pribadong paaralan. Nabibili ko na ang gusto ko. Napaayos ko na ang bahay naming, napapagamot ko na si papa. Nang magsimula akong magkatrabaho, tinatawag na akong pinsang ng akingmga pinsan. Tinatawag na akong kaibigan ng mga dating nang- aapi sa akin. Tinatawag na akong pamangkinng mga kapatid nina mama at papa. Lumalapit na sa akin para humingi ng tulong ang mga taong minsang tumanggi sa amin sa pagtulong.Kinilala na ang dating inaapi na baluga. Ginawang tagapagsalita sa aming paaralan, na minsang humamak sa aking kakayahan at sa aking physical na kaanyuan.
                Totoo ngang ang lahat ng pagsasakripisyo ay mayroong reward. Hindi sa lahat ng oras ay puro karimlan ang kinatatayuan mo. Ngayon naiintindihan ko na kung bbakit ito ang aking buhay. Malaki ang pasasalamat ko sa Poong Maykapal sa lahat ng mga biyayang natanggap ko. Malaki rin po ang pasasalamt ko na hindi na ako sinumpong ng aking sakit.
                At sa lahat ng mga may kappareho kong sitwasyon, sana huwag kayong panghinaan ng loob, matuto tayong lumaban lalung lalo na sa mga taong minamaliit an gating kakayahan. Matuto ttayong lumaban sa lahat ng mga pagsubok, sapagkat may plano ang Diyos para sa atin. Hindi sa lahat ng oras, paghihirap an gating mararanasan, iyon ay daan lamang para matutunan natin ang takbo ng buhay…ang ganda ng buhay.
                Maraming salamat po ate Charo sa pagbibigay ng pagkakataong maibahagi ko ang kasaysayan ng aking buhay.n Awa’y magbigay ito ng arala sa mga manonood, lalung lalo na sa mga kabataang nagpapabaya sa kanilang pag- aaral. Sa mga mayayamang gasta ng gasta sa mga walang kabuluhang bagay. Nawa’y maging inspirasyon ito sa mga manonood.
                                                                                                                               

                                                                                                                                                Lubos po na gumagalang,

                                                                                                                                                Farah Grace D. Jimena