Basura

Basura
Katulad ng basura. ako ay itinapon ng aking totoong magulang. Ngunit mayroon tayong kasabihan na sa bawat basura ay may nakatagong kayamanan, at iyon ang aking ipinagmamalaki, sapagkat, narito sa aking mga kamay ang kumikinang na Diploma....ang Diploma mula sa isang Ibinasura.

Tuesday, February 1, 2011

Ang Puno bilang Nasyon

ang isa ka puno mangin mabinungahon
kung ang nagasagod may taguiposoon
husto ang pag- abuno, husto ang paglambon
piho ang produkto sini, lapaw pa sa ginahaum

apang, kung ang nagatatap nagapabaya
makabunyag man o sa hindi,tama na sa iya
inugbakal sang abono, iya ginaibanan
ginabutang sa bulsa , unahon ang kalipayan

mga pinalangga ko nga mga kauturan
ini nga panalambiton akon padalman
natuhoy sa  makasiligni nga kahimtangan
sining nasyon nga Pilipinas, Dutang Ginkatawhan.

Husto nga pagdumala ang kinahanglan sang nasyon
Agud malampasan ang mga upang sa pagtib- ong
Ini sa bulig sang mga yara sa posisyon
Kauturan, maumpisa ini sa balaan nga eleksyon.

Ang pagtib-ong sining cancer nga corruption
Ang rason sang nagalumapaw nga kapigaduhon
Matuod indi madula ang kapigaduhon sa isa ka nasyon
Apang mahagan- hagan ini kung wala sang corruption

Sa mga advertisement,streamers,banners sang mga pulitiko
Nagabanaag nga mga milyones ang ila ginagasto
Sa tion sang eleksyon gaguluwa ang ila nga mga linibo
apang sa ti-on sang pagkapuraot ginalimitahan ang inug- gasto.

Ining pagpanagtag sang kwarta indi na malikawan
Nangin praktikal na lang gid ang mga kauturan
Apang pilia ang nagakadapat sa posisyon
Tampad, may binuhatan, mabinuligon kag maluluy-on

Kailan? (Talumpati)

Isang napakagandang umaga ang aking nasilayan sa aking paggising. Natatanging umaga ika nga. Ako’y naghanda para sa isang natatanging pagtitipon na ito.Nakikita niyo ba itong suot ko? Mahigit 5,000 ang halaga nito, para lamang sa araw na ito. At kung napapansin ninyo na parang umuumbok itong tiyan ko, siyempre, kumain ako nang marami. At teka, may nakakapa yata ako rito sa bulsa ko, ah ito yung mga balat ng kendi na kinain ko kanina.Siyempre, para iwas kaba.
            Ngunit sa aking byahe papunta rito,maraming mga bagay ang nakaagaw sa aking pansin. Mga makabagbag damdamin na mga tanawin. Mga tanawing isa ako sa maaaring sisihin.
            Isang batang lansangan ang tumambad sa aking paningin ng ito’y kumatok sa magara naming kotse. Nanghihingi ng limos. Di raw kumain mula kahapon, at gutom na gutom na. Napansin din niya itong damit, wika pa’y napakaganda raw ng damit ko. Di raw katulad niya na punit- punit. Umusad na iyong trapiko. Natameme ako sa sinabi noong bata. Tama siya napakaganda nitong suot ko at mahal pa. Samantalang ang sa kanya, marahil ang mga pambahay ko na mga damit ay maituturing niyang pinakamaganda niyang damit. At heto, habang ako’y nakamake-up nang maganda at nakasuot nang mamamahaling alahas. Siya nama’y nakamake-up ng mga dumi ng alikabok o kaya’y kuwintas na libag.
            At wika pa ni Daddy na pupunta kami ng Jollibee, McDo, at Greenwich pagkatapos nitong kumpetisyon . Naisip ko iyong bata na naghingi ng limos. Di raw kumain mula kahapon. Tapos , kami, heto 3 fastfood chain ang pupuntahan.Tsk, Tsk, Tsk, tama ba itong ginagawa namin?
            At sa daan, may nakita akong mga anunsyo katulad ng, “give your heart to the flood victims.” Oo, naaalala ko ang nangyari sa Kamaynilaan, ang pagguho ng lupa, ang malalim na baha,mga nangamatay na mga tao, katulad nang nangyari sa atin dito noong kasagsagan ng Bagyong Frank.
            Ho…ano ba tong mga pumapasok sa isip ko? Pero, may katotohanan naman ito mga kaibigan. Hindi na mabilang ang mga batang naggagala sa lansangan. Upang manlimos. Minsan, iyong iba sa kanila, nasasagasaan sa paghabol ng mga pasaherong maaaaring makapagbigay ng panawid- gutom. Malala pa, minsa’y nagnanakaw para lang may ilaman sa mga tiyang kumukulo. Samantalang tayo, nagsasayang ng mga pagkain. Kapag natikman at hindi nagustuhan ang lasa, kaagad- agad na itinatapon sa mga alagang aso o di kaya’y sa lababo. Bakit ganito tayo mga kaibigan? Lalung lalo na sa mga kapwa mga kabataan. Nagsasayang tayo. Winawalang bahala natin ang mga biyayang ating natatanggap. Paano kaya kung balang- araw ay mawawalang parang bula ang lahat ng ating tinatamasa? Magiging katulad tayo ng mga batang lansangan na naglalaro sa dumi. Kumakain ng mga panis. Nasa peligro ang buhay habang nakikipag- agawan sa limos na maaaring maibigay ng mga taong mahihingan. At higit sa lahat, hindi nakakapag- aral at  kinukutya  ng mga taong nakaririwasa sa buhay.
            Sa isang araw na ito, bumili kami ng damit na ito. Pagkatapos, hindi ko naman ito magagamit araw- araw. Habang iyong ibang bata o pamilya, halos di makabili ng isang saplot. Maluho tayo mga kaibigan. Hindi lang basta, usaping damit ito. Naririyan ang mga modernong bagay na ginagamit natin sa mga walang kuwenta.Katulad ng cellphone at computer.
            Kasabay ng pagdating ng mga teknolohiyang ito, kasabay rin na nawalang parang bula ang pagpapahalagang Pilipino… ang kultura nating mga Pilipino.
            Araw-araw mo mang daanan ang mga mall, siguradong hindi ito mawawalan ng mga kabataang nagliliwaliw. Pamamasyal kasama ng mga barkada. Pero, kapag ginising mo para magsimba…ni ayaw gumalaw,ayaw sumama…ang siste pa’y…andyan naman ang Diyos kahit saanmang dako…kahit sa CR pwede akong magdasal..maririnig niya rin naman ako.
Isang kabuktutan. Malayung malayo sa pananaw ng mga kabataan noon.
            Cellphone…teknolohiyang makabago.
            Wr na u? hir na me?
            Txtmate, eyeball,buntis. Yan ang epekto nitong makamandag na cellphone…cp ika nga.
            Nawala ang mga gramatikang pinag-aralan. Pati ang tamang pakikipag-usap sa mga magulang ay nawalang parang bula. Mas inuuna pa ang pakikipagtextmate kaysa sa paggawa ng mga takdang aralin. Hindi nakakatapos ng pag-aaral sapagkat may mga textmate na kinakatagpo. Nawala na ang dating Maria Clara . sa halip na sa bahay nililigawan,Kahit sa gilid ng daan naglalambutsingan. O  di kaya’y sa plaza nagtutukaan, nagyayakapan. Walang pakialam sa mga nakakakita.At kapag nadisgrasya, mahihinto sa pag-aaral, sasabihin nagkamali lang o di kaya magulang ang magkakaproblema dahil nagkapamilya nang maaga ang minamahal na anak.
            Ganito na ba ang pagpapahalaga ng mga bagong henerasyon? Ito na ba ang epekto ng modernisasyon?
            Mukhang namamali yata ang pagkaunawa niyo mga kapwa ko kabataan.
            Hindi ba’t ang natatanging layunin ng teknolohiya ay para mapadali ang ating mga gawain? Upang hindi masayang ang ating oras, panahon at pera? Upang mapaayos ang ating gawain? Upang mapaunlad ang ating lugmok na estado? Ngunit ano ang ating ginagawa? Inaabuso natin ito!
            Computer…parang tv..parang calculator…parang typewriter…parang telepono…parang andito na lahat ng kailangan ko sa pakikipag-ugnayan. Hindi mo na kailangan pang mag- antay ng buwan para matanggap ng sinulatan mong tao, at isa pang buwan para matanggap ang sagot mula sa kanya. Sapagkat sa tulong ng internet, ng e mail…ilang minuto lang andiyan na.. o di kaya’y mayroon na tayong yahoo messenger na makakapagchat na tayo..o di kaya’y makapag -webcam…o kitams para na kayong magkaharap niyan. Kaya lang, halos ang iba sa atin, sa halip na sa mahahalagang bagay ito gamitin ,pakikipagchatmate sa kung sinong mga tao. Magpapadala sa mga magagandang emoticons, mga graphics..tapos sa bandang huli magsisisi. Nandito rin sa computer ang scientific calculator…mahigit pa nga kung tutuusin…eencode mo lang mga data mo, ilang segundo lang nacompute na...mayroon din diyan cd- rom player…na kung saan pwede kang manood ng mga cd na magagamit sana sa iyong mga kakailanganing impormasyon sa iyong pag- aaral. O di kaya’y mag youtube ka para manood ng mga mahahalagang bagay na makaragdag sa iyong kaalaman bilang isang mag- aaral.
            Mga likha ng siyensya na makapagpapadali ng ating buhay, na makatutulong sa paglinang ng hinuhukay nating edukasyon.Sapagkat ang Edukasyon ang natatanging sandata ng mga mamamayan laban sa mga mapanlinlang na kahirapan at sa agos ng buhay. Ito ay nagsisilbing araw na nagbibigay liwanag sa daan na ating tinatahak. Bala ng kanyon na pumupuntirya sa mga bagay na kailangan sirain na makahahadlang sa ikauunlad ng isang pagkatao. Maituturing din itong isang pinakamataas na kura na tinitingala ninuman.
            Nakaraan lamang ay ating dinanas ang isang kalunos- lunos na pangyayari, ang galit ng kalikasan. Gumuho ang lupa, madaling tumaas ang baha at maraming mga namatay na mga tao. Sino ba ang dapat nating sisihin? Ang Diyos? Ibang tao? O baka tayo?
 Naalala ko kanina ang itinapon kong balat ng kendi. Tsk, tsk, tsk…malaki pala ang nagagawa ng munting balat na iyon. Kung titipunin ko ang lahat ng mga balat ng kendi na itinapon ko kahit saan, pwede na iyong pumigil sa dinadaluyan ng tubig.
            Bakit ngayon ko lang ito naisip? Ikaw, ilang kanal na ba ang napigil mo? Ilang puno na ba ang pinutol mo? Ilang tao na ba ang naapektuhan sa ating mga kabaliwan, kairesponsable? Ilang pera nab a ang nasayang mo sa mga walang kuwentang bagay?

            Kailan pa natin sisimulan ang pagbabago mga kaibigan?  Kung isa pang Bagyong Frank, Ondoy o Pepeng ang darating? Kung isang batang mamamalimos ang aantig sa ating damdamin? O kaya’y, kung maranasan natin ang naranasan ng mga biktima ng ating pagka-iresponsable. Bakit? Ito ba ang kulturang ating kinamulatan… ang pabayaan ang ating inang kalikasan?
           
            Hindi pa huli ang lahat mga kaibigan. Nasa ating sarili ang solusyon ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa. Ang kahirapan ay mababawasan kung tayo ay magbibigayan. Ang kaunlaran ng katauhan ay maapasakamay kung ang makabagong biyaya ay gagamitin sa tamang paraan. Ang galit ng kalikasan ay hindi aapoy kung tayo ay mag- aalaga sa ating kapaligiran. Sapagkat, magiging maayos ang isang bansa, kung ang mamamayan ay nagkakaisa, ang bawat tao’y may disiplina, na ikauunlad ng tinubuang- lupa. Kaya’t mga kaibigan, sisimulan ko na ito ngayon. ( pupulot ) ikaw, kailan ka magsisimula?

Dakilang Alila...Dakilang Atleta

---PIYESANG GINAMIT NAKARAANG PRISAA 2010 NA NAGKAMIT NG IKATLONG GANTIMPALA DAHIL SA KAHUSAYANNG IPINAKITA NI CARYL FAYE CO  AT SA TULONG NI  REBELKAGE.

( humihingal)
            Naku!!! tama na, ayoko na, pagod na ako. Pasabugin na ang Iloilo
            Uy, andiyan pala kayo? Ako si Caryl ang dakilang alila ng Iloilo. Dahil sa kaliitan kong ito, marami ang umaalila sa akin, number one diyan ay si Gwen ang mortal kong kaaway. hindi naman siya maganda kaso lang maraming kwarta.
            Pero.  Whaaaaaaaaaaaaaa! Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw! Parati na lang akong pinagdidiskitahan. At ito, itong mga gamit na naman na ito…pinapadala sa akin sa tuktok ng langit.
            ( sasampalin)
            Ouch! Ang face ko!
            Haleer! Hoy bulilit, Face? Facebook  siguro hahahaha.
            Ano na naman ba Gwen?
             Ang mga gamit ko, ipanhik mo iyan sa silid- aralan natin, wala ako sa mood na magpuyat para riyan, masisira ang kagandahan ko, ang tunay na kagandahan! Magpapacute pa ako kay Zander ko.
            Pero!
            Wala nang pero pero pa, gawin mo iyan, kung hindi malilintikan ka sa akin. baka gusto mong ibitin kita nang patiwarik diyan.
            Gwen!
            O ano gagawin mo o hindi? Madali akong kausap!
            Oo na!
            ( Lalakad. Matatamaan ng Bola)
            Araaaayyyy, sino ang humagis ng bola? Eto, pulutin ninyo. ( Spike)
            Nakakainis naman nitong buhay ko, tagabitbit na nga natamaan pa ng bola.
            Miss!
            Ay anak ,ka ng kabayo.. Ano kailangan….. ( tulala) ….. mo?
            By the way ako si Zander, ikaw?
            Rider? As in Mask Rider? ( tulala pa rin )
            Zan-der…ikaw ano ang name mo?
            Ah ako si Zander este Caryl.
            Ah, nakakatawa ka naman, nga pala nakita ko ang pagspike mo sa bola.May potential ka sa volleyball. Baka gusto mong sumali sa volleyball team ng ating school ?
            (Loveteam sa aming school? Siya? At ako?) Sige sige payag ako.
            Okey. Kita tayo sa court mamayang hapon. Magsuot ka ng pang-sports, ha.
            Sports attire? Teka Zander, bakit sports attire?
            Magtatry out ka mamaya para sa volleyball. Naghahanap pa kasi kami hanggang sa ngayon eh.
            Ah… volleyball pala…kala ko..sige..punta ako mamaya.
            Okey, nice one! Kitakits.
            Naku, sayang, akala ko loveteam…pero okey lang… Kaya ko ito.
            Nagsanay ako. takbo rito, banat doon, palo rito, spike doon. Ang dali! Chicken! Hindi ako natakot sa bola. Dahil sa dedikasyon ko nakasali ako sa volleyball team ng school. Nagkaroon pa ako ng tiwala sa aking sarili. At nabansagan pa akong Small but Terrible!
            Hoy! Lampang alila! Eto ang aklat ko, dalhin mo sa room natin.
            Ako ba ang tinutukoy mo?
            Aba aba aba! Astig ha! Bakit kakasa ka ba? Remember…
            Sorry, pero hindi na ako takot sa iyo Gwen, ang mga aklat na ito? Uhmmmm eto ikaw ang magbitbit ng gamit mo.
            Caryl!  O ano tayo na? Oras na ng ensayo?
            Za- zander? Magkakilala kayo?
            Oo, kaibigan ko siya. Isa siya sa magaling na volleyball player..
            Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa, kaibigan mo siya? Ako na mayaman, maganda, di mo man lang nakausap. Oh my God, hindi ako makahinga..help me…help me!
            Hayy buhay, ganyan ang buhay, minsan ikaw ang bida,  minsan ikaw ang kontrabida…haaayyy. Uyy andiyan pa pala kayo. Ako si Caryl….Dakilang alila? No way!!!! Dakilang Atleta.
            O caryl, meryenda tayo after ng game ha?
            Oks na oks Zander.
            O ayan! Inaya ako ni Zander ,baka, may aaminin..hehehehe…basta mga kaibigan, wag kang matakot, lahat tayo  may tinatagong kakanyahan. ipakita ito at  baka ito na ang simula upang makilala ka ng bayan.

Inspirasyon Ko

Hunyo 19, 1861
 nabun-ag ang pinasahi nga Pilipino
didto sa bahin sang Calamba, Laguna
Siya si JOSE RIZAL PROTACIO MERCADO Y ALONZO REALONDA
mamalaybay, dramatista, nobelista
iskultor, doktor, linggwista
pilang nahot lang ina nga dalan
nga gin- usoy ni rizal nga hangkilan
apang bangud sang iya nga kinaalam
nagluntad ang mga nobela nga bangkilan
Noli Me Tangere kag El Filibusterismo nga bangkilan
nagpuntirya sa mga mamimigos sa Dutang Ginkatawhan
bangud sang nagluntad nga kamatuoran
ginhaboy sing iya sa Dapitan
Disyembre 30, 1896 siya ginpamatbatan
alas 7:03 sa Bagumbayan
gin- atubang niya ang Balaan ng Kamatayan

Pagpanakayon sa Gugma

ang gugma  kaangay sang pagpanakayon
gapasimpalad ka sa isa ka relasyon
bagyo,hagunos imu atubangon
tanan imu pagahimuon
mapabutyag lang gugma nga ginadihon

Gugma kag Ang Dagat

kapawa matood ang isa ka gugma
kaangay sang dagat ikaw ang mahangawa
kaangay kun ikaw malunod sa iya kasangkaron
dughan mo malunod kun sa gugma mangin ulipon
sa  dulhugon sang dagat may kabukiran
kaangay sang gugma may kasangkaron ang nabatyagan
kun magtaklad ka sa limitasyon
piho gid kalisod ang matupa sa balatyagon
kaangay sang dagat nga mabalud
sa gugma may tion man sang kalisod
daw masuka ka sa llingin sang imu ulo
daw mapatay ka kun bayaan ka ka imu migo.

Abyan Nalang

nadumduman ko sadto anay
sang kita pa ang gaupdanay
matam-is nga tinaga nga daw sa kalamay
naghatag sa akon dughan sang kalipay
gulpi lang nagliso  ang sitwasyon
ako gintalikdan mo wala paabiso
daw sa ginsaksak ining corazon ko
sang nadula ka sa kabuhi ko
apang salamat ako ang ginbalikan
bisan sa termino nga abyan nalang
gugma ko yari pa sa dughan
tubtob sa katubtuban ini ang pagahuptan